Kapwa may dugong Pilipino at Norwegian si Basken na nakuha ang unanimous vote ng siyam na hurado ng timpalak. Siya rin ang nakatanggap ng pinakamataas na boto sa pamamagitan ng internet sa antas na 59 porsiyento.
Nabatid na tubong-Laguna ang ina ni Basken na si Grace. Nakapangasawa ito ng isang Norwegian at kasalukuyang dance instructor sa Oslo, Norway.
Sa susunod na buwan, pupunta si Basken sa Thailand para makipagkumpitensya sa 2007 Miss Universe Beauty Pageant.