Bukod sa parehas at makabuluhang estratehiyang ginagamit ng kampo ni Pichay sa pangangampanya, gumanda nang tuluyan ang standing ng mambabatas at mula sa dating 51 puwesto sa survey ng Social Weather Station (SWS) noong Nobyembre 2006, sumirit paitaas ang preference percentage nito patungo sa kasalukuyang ika-20 puwesto.
Umangat naman ang ranking niya sa isinagawang Pulse Asia survey nitong nakaraang April 3-5, 19.8% at nagkaroon ng 19-22 ranking kumpara sa 13.7 voting preference noong Feb-March 5, 2007 survey.
Sinabi pa ni Pichay na hindi siya madidismaya o matatakot sa anumang surveys dahil naniniwala siya na ang mas malawak na bilang ng botante pa rin ang magpapasya sa kapalaran ng isang kandidato sa darating na halalan. (Butch Quejada)