^

Bansa

Pichay hataw na!

-
Tuluyan nang humataw ang kandidatura ni Team Unity senatorial bet Pros pero "Butch" Pichay makalipas ang mahigit dalawang buwang kampanya sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.

Bukod sa parehas at makabuluhang estratehiyang ginagamit ng kampo ni Pichay sa pangangampanya, gumanda nang tuluyan ang standing ng mambabatas at mula sa dating 51 puwesto sa survey ng Social Weather Station (SWS) noong Nobyembre 2006, sumirit paitaas ang preference percentage nito patungo sa kasalukuyang ika-20 puwesto.

Umangat naman ang ranking niya sa isinagawang Pulse Asia survey nitong nakaraang April 3-5, 19.8% at nagkaroon ng 19-22 ranking kumpara sa 13.7 voting preference noong Feb-March 5, 2007 survey.

Sinabi pa ni Pichay na hindi siya madidismaya o matatakot sa anumang surveys dahil naniniwala siya na ang mas malawak na bilang ng botante pa rin ang magpapasya sa kapalaran ng isang kandidato sa darating na halalan. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUKOD

BUTCH QUEJADA

FEB-MARCH

NOBYEMBRE

PICHAY

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATION

TEAM UNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with