Ayon sa YACAP, kung merong rebolusyon na dapat mangyari sa bansa ito ay ang pagkakaisa para labanan ang katiwalian at korupsyon para sa kapakanan at kinabukasan ng mamamayang Filipino lalo na ng mga kabataan.
Naniniwala si Carol Lopez, nominee ng YACAP sa Mababang Kapulungan, na dapat simulan ang paglaban sa korupsyon sa mga eskwelahan at dapat turuan ang mga bata sa kanilang murang isipan pa lamang na malabong marating natin ang kaunlaran kung talamak ang korupsyon at pagnanakaw sa kabang yaman ng bansa. (Doris Franche)