Hostage-taking patunay ng malalang korapsyon sa bansa

Hindi makapaniwala ang multi sectoral group na You Against Corruption and Poverty o YACAP na humantong sa pangho-hostage ang pagkairita ng negosyanteng si Jun Ducat sa sistema ng korupsyon na umiiral sa bansa.

Ayon kay Carol Lopez ng YACAP, kung dismayado at desperado ang isang milyonaryo na gaya ni Ducat sa korupsyon sa bansa paano pa kaya ang isang simple at mahirap na mamamayan.

Sinabi pa ni Lopez na kung walang seryosong hakbang na gagawin ang pamahalaan laban sa katiwalian at kahirapan, baka marami pang Jun Ducat ang magsulputan sa darating na panahon.

Sa sandaling makaupo sa Kongreso tiniyak ng YACAP na isusulong nila ang mga panukalang batas na makakatulong sa pagsugpo ng korupsyon na maituturing ng kanser sa sistema ng bansa. (Doris Franche)

Show comments