Ito ayon kay BIR Commissioner Jose Mario Bunag ay upang ma-accommodate at mabigyang pagkakataong maserbisyuhan ang mga taxpayers na mag-aasikaso ng kanilang responsibilidad sa pagbabayad ng buwis sa panahon ng okasyon.
Gayundin, ang ahensiya partikular ang Revenue 8 Makati ay nagpalawak ng kanilang tax campaign at pagsasagawa ng tax monitoring list kasama na ang electronic filers na nagdedeklara ng "no payment" returns upang makaiwas sa buwis.
Sinabi ni Bunag na pinupursigi ang pagkolekta ng buwis ng ahensiya upang malikom ang target collection na P730 billion ngayong taon.
Partikular na inaasahang magpapadagdag ng makokolektang buwis mula sa mga professionals, dealers ng motor vehicles, motorcycles at spare parts, ice plant at bottled water sellers, hotels/motels and bars, tollway operations and funeral parlors. (Angie dela Cruz)