Chavit backer ni Ducat?
March 30, 2007 | 12:00am
Nagkaroon ng mga hinalang "backer" ni Armando Ducat si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson dahil umano sa pagsulpot ng huli sa pinangyarihan ng pambibihag ng una sa 32 mag-aaral at apat na guro ng isang daycare center sa loob ng isang bus sa Maynila kamakalawa.
Pero, sa isang panayam sa loob ng kulungan sa Manila Police District, idiniin ni Ducat na walang sinumang pulitiko o makapangyarihang tao ang nagtulak sa kanya para isagawa ang pangho-hostage.
Inamin ni Ducat na ikinagulat na lamang niya ang pagdating ni Singson sa naturang lugar dahil hindi naman niya tinawagan ang gobernador.
Malabo anyang tawagan niya ang gobernador dahil isa siya sa mga kritiko nito.
Matatandaang isa si Singson sa nakipagnegosasyon para sumuko si Ducat at palayain ang mga biktima nitong bata. Kabilang din sa nakipagnegosasyon si Senador Bong Revilla. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest