Sinabi ng Pangulo sa isang pahayag na hindi na dapat maulit ang kahalintulad na krimen ni Ducat na binansagan niyang "recidivist" o isang taong paulit-ulit na gumagawa ng kasalanan.
Sinabi pa ng Pangulo na iniutos na niya ang mabilis na pag-uusig kay Ducat para hindi na nito ulitin ang ginawa nito na naglagay sa panganib sa mga batang estudyante ng Day Care Center na pag-aari ng suspek.
Kasama ni Ducat na ikinulong sa Manila Police District si Cesar Carbonell.
Kaugnay nito, tinanggal ng Department of Interior and Local Government sa puwesto si MPD Acting Director Danilo Abarzosa at ang dalawa pang opisyal nito na sina Station 5 (Ermita) Commader Supt. Jojo Rosales at ang police community precinct commander ng Lawton.
Bagaman kinokondena ng gobyerno, nagbunga naman ng positibo ang ginawa ni Ducat dahil bukod sa mga pangakong scholarship sa mga binihag niyang bata, napansin din sila ng Pangulo at ipinatawag pa sa Malacañang ang mga bata kaya natuloy rin ang naudlot nilang field trip na sana ay sa Tagaytay ginawa. Mismong si Pangulong Arroyo ang naging host ng mga bata sa Heroes Hall ng Malacañang kung saan sila ay nagmeryenda ng hotdogs, sandwiches, brownies at iba pang pagkain at ipinasyal pa sila sa loob ng Palasyo.
Dalawapu’t dalawang bata lamang ang nakarating sa Malacañang kasama ang kanilang mga magulang dahil may sakit umano ang apat sa 26 na nahostage.
Sinabi: naman ng Department of Social Welfare Secretary Esperanza Cabral na maari namang ipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral sa nMusmos Day Care Center sa Parola, Tondo, Manila.
Tinugunan din ng AMA Computer School ang panawagan ni Ducat na siguraduhing makakatapos ng pag-aaral ang 147 mga batang nagtapos sa kanyang day care center.
Inihayag ni Ambassador Amable Aguiluz ng AMA sa isang press statement na bibigyan Pnila ng scholarship grants ang mga bata.
Aminado ang Malacañang sa kahihiyang idudulot sa international community ng hostagse crisis sa Maynila pero agad ring sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi naman hawak ng Malacañang ang isipan Ing mga tao lalo na ang may mga masamang pag-iisip.
Sinabi pa ni Ermita na ginagawa naman ng gobyerno ang lahat upang ma-eliminate ang mga katulad na insidente.
Kaugnay nito, mariing sinisi at sinabon kahapon ni DILG Secretary Ronaldo V.Puno si Abarzosa na pansamantalang sinibak sa pwesto dahil sa umano’y kapabayaan nito sa 10 oras na hostage crisis.