Scholarships ng 145 batang nagtapos sa Musmos Day Care Center sinagot ng AMA

Tinugunan kahapon ng AMA Computer School ang panawagan ng hostage-taker na si Armando "Jun" Ducat Jr. na siguraduhing makakatapos nang pag-aaral ang 145 mga batang nagtapos sa kanyang day care center.

Inihayag ni Ambassador Amable Aguiluz ng AMA sa isang press statement na bibigyan nila ng scholarship grants ang mga batang tinulungan ni Ducat sa Musmos Day Care Center.

Inihayag naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na iniutos na ng Malacañang sa Department of Education na pag-aaralan ang demand ni Ducat na siguraduhing makakatapos sa pag-aaral ang mga bata. (Malou Escudero)

Show comments