Gonzales atras na

Wala nang balak tumakbong kongresista ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Bataan si National Security Adviser Norberto Gonzales.

Ito naman ang nabatid mula kay Gonzales na chairperson Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, matapos na ihayag sa kanyang mga tagasuporta sa Mariveles na nagbago na ang kanyang plano at manatili na lamang sa Gabinete ni Pangulong Arroyo matapos niyang makipagpulong dito.

Nabatid na humingi ng paumanhin si Gonzales sa kanyang mga tagasuporta kung saan sinabi nito na ginawa na niya ang lahat ng kanyang magagawa upang makumbinsi ang Pangulo Arroyo. Subalit ayaw siya umano nitong payagan. (Doris Franche)

Show comments