Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Charge d’ Affairs Rea Oreta, namatay habang ginagamot sa di pa batid na pagamutan si Rolando Casulang, isang X-ray technician sa Kuwait Military Hospital, dahil sa tinamong lapnos sa mukha at putok na ulo.
Inamin naman ng suspek na nakilalang si Minerva Tayag, isang Pinay at karelasyon ni Casulang sa Kuwait, ang krimen.
Sa pahayag sa mga awtoridad ni Tayag, sinabi nito na nagalit siya nang malamang may asawa at anak ang biktima sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Oreta na inaasikaso na nila ang pagpapauwi sa mga labi ng biktima at tiniyak din nito na pareho nilang tutulungan ang pamilya ng biktima at suspek. (Mer Layson)