Ayon kay Aranjuez, hinahamon niya si Rosales na sukatin ang bilang ng kanilang mga miyembro at ang sakop ng kanilang kinakatawang grupo upang malaman kung sino ang may mas malaking suporta.
Itinanggi din nito na ang AKSA ay proyekto ni National Security Adviser Norberto Gonzales dahil ang mga miyembro nito ay pawang mga mahihirap, manggagawa, kababaihan at mangingisda. Isa anyang social movement ito na nakikipaglaban para sa mga pangangailangamn ng nakararami.
Nilinaw nito na walang partisipasyon ang pamahalan sa pagbubuo ng AKSA lalo pa’t wala rin naman nakukuhang pondo ang grupo sa gobyerno na isa sa mga dahilan ng kanilang hirap sa pangangampanya.