^

Bansa

Etta binuweltahan ng AKSA

-
Binuweltahan ni Aksyon Sambayanan president Timoteo Aranjuez si Anakbayan Partylist Rep. Etta Rosales na nag-akusa sa 11 partylist kabilang na ang Aksyon Sambayanan na umano’y dummy ng administrasyon.

Ayon kay Aranjuez, hinahamon niya si Rosales na sukatin ang bilang ng kanilang mga miyembro at ang sakop ng kanilang kinakatawang grupo upang malaman kung sino ang may mas malaking suporta.

Itinanggi din nito na ang AKSA ay proyekto ni National Security Adviser Norberto Gonzales dahil ang mga miyembro nito ay pawang mga mahihirap, manggagawa, kababaihan at mangingisda. Isa anyang social movement ito na nakikipaglaban para sa mga pangangailangamn ng nakararami.

Nilinaw nito na walang partisipasyon ang pamahalan sa pagbubuo ng AKSA lalo pa’t wala rin naman nakukuhang pondo ang grupo sa gobyerno na isa sa mga dahilan ng kanilang hirap sa pangangampanya.

AKSYON SAMBAYANAN

ANAKBAYAN PARTYLIST REP

ARANJUEZ

AYON

ETTA ROSALES

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

TIMOTEO ARANJUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with