Zubiri, asang ikakampanya ng ex na si Vina Morales

TABACO, Albay — Umaasa si Team Unity senatorial candidate Juan Miguel Zubiri na ikakampanya siya at susuportahan ng kanyang ex-girlfriend na si Vina Morales kahit nagkahiwalay na sila ng landas.

"If she does endorse me, personally, that will be a big boost for me. I will thank her wholeheartedly because she has many fans who idolize and listen to her," pahayag ni Zubiri. Ilang taon na ring magkahiwalay sina Zubiri at Morales at nagpakasal na ang mambabatas kay Audrey Tan, isang dating model.

Kaugnay nito, sinigurado ng kampo ni Zubiri na iindorso siya at susuportahan ng pondo ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films. Kung mahahalal umano siya sa Senado, gagawa siya ng paraan upang matulungan ang industriya ng pelikulang Pilipino. Kabilang sa nakikitang problema ni Zubiri sa movie industry ay ang mataas na tax at ang patuloy na pagtangkilik ng mga Pinoy sa pelikulang banyaga. (Malou Escudero)

Show comments