Cayetano foreigner talaga – Capco

Muling iginiit ni dating Pateros Mayor Atty. Jose Capco na isang banyaga si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetno kaya dapat lamang itong ma-disqualify bi lang kandidato sa pagka-senador.

Sa hearing ng petition for disqualification na isinampa niya laban kay Cayetano sa Comelec, pinuna ni Capco na mismong ang kongresista ang nagpahayag na ito ay isang native born Filipino lamang na sa ilalim ng batas ayon kay Capco, ay nangangahulugang isang foreigner na ipinanganak sa Pilipinas.

Pinuna rin ni Capco na hanggang ngayon, wala pa ring maipakita si Cayetano na affirmation o approval ng Secretary of Justice ng kanyang identification certificate bilang Pilipino na itinatakda rin ng batas. Nauna nang sinabi ni Cayetano na taong 1992 pa lamang ay Pilipino na siya.

Ayon naman kay Capco, kung talagang kumbinsido si Cayetano na ito ay isang natural born Filipino, bakit nito kailangan pang kumuha ng alien certificate of registration (ACR) ng ilang beses.

Ayon kay Capco, tatlong beses kumuha ng ACR si Cayetano - March 18, 1976, ACR No. B255672; January 23, 1985, ACR No. B367432 at March 12, 1990.

Show comments