^

Bansa

Erap gustong umatend sa kasal ni JV

-
Umapela si dating Pangulo Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang makadalo sa centennial foundation ng San Juan at sa kasal ng kanyang anak na si San Juan Mayor JV Ejercito.

Sa apat na pahinang mosyon, hinimok ni Estrada ang korte na payagan siyang dumalo sa Marso 27, para sa ika-100 anibersaryo ng ng San Juan kung saan tatanggap siya ng award bilang "Outstanding Ciriten of San Juan" at payagan din siyang makabisita sa inang si Dona Mary sa gabi ng naturang petsa.

Hiniling din ni Estrada sa korte na irekonsidera ang naunang decision nito na payagan siyang dumalo sa kasal ni JV na itinakda noong Pebrero pero inilipat sa darating na June 9. Sinabi rin ng kampo ni Estrada na payagan na sa Tanay resthouse ni Erap gawin ang kasal para hindi na magkaroon ng problema sa seguridad.

Nauna rito, nagdesisyon ang korte na huwag gawin sa Tanay resthouse ang kasal ni JV dahil ang nasabing bahay bakasyunan ang kulungan ni Erap at hindi social hall. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

DONA MARY

EJERCITO

ERAP

HINILING

OUTSTANDING CIRITEN OF SAN JUAN

PANGULO ESTRADA

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR

TANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with