^

Bansa

Ex-PBA player kulong ng 12 yrs. sa US

-
Isang dating player ng Philippine Basketball Association (PBA) ang nasentensyahan nitong Sabado ng isang korte sa Amerika na makulong ng hanggang 12 taon dahil sa pagpatay sa Mexican boyfriend ng kanyang kalaguyo, sa Nevada.

Si Rudy "The Destroyer" Distrito, ay nakasuhan ng murder matapos nitong mapatay sa saksak ang Mehikanong si Juan Amaya noong 2004.

Maluwag namang tinanggap ni Distrito ang hatol at umiiyak na humingi ng tawad sa pamilya ng biktima, sa sarili niyang pamilya, sa mga kasama niya sa PBA at sa kanyang mga tagahanga.

Sa rekord ng korte, sinaksak ni Distrito si Amaya bilang paghihiganti umano matapos pakasalan ng huli ang kalaguyo ng una.

Nagpasok si Distrito ng "not guilty plea" subalit binago niya ito kinalaunan at nag-plead ng "guilty" para sa mas mababang kaso ng homicide. Inutusan din si Distrito na magbayad ng $10,000 sa pamilya ng biktima.

Iginigiit naman ng mga abogado ni Distrito na mabuting tao ang kanyang kliyente at isang self-defense ang pagkakapatay sa biktima.

Si Distrito, may taas na 5’10" ay dating pointguard ng koponang Toyota, pero huling naglaro sa Ginebra team.

Tinagurian siyang "Destroyer" dahil sa agresibo niyang pamamaraan sa paglalaro ng basketball.

Nabatid na nag-migrate siya sa Amerika kasama ng kanyang pamilya noong 1996 makaraang bawiin ng Games and Amusement Board ang kanyang lisensya.

AMERIKA

DISTRITO

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

JUAN AMAYA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SI DISTRITO

SI RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with