Ayon sa DepEd, aabot sa 1,697,743 Grade 6 student sat 1,067,849 sa high school ang magtatapos ngayong school year 2006-2007.
Samantala sa datos naman ng CHED, aabot sa 464,004 ang magtatapos sa higher education.
Sa nasabing talaan, 385,993 estudyante ang magtatapos ng 4 na taong kurso habang 57,342 naman ang magtatapos sa 2-year course, 2,562 ang graduating sa 1-year diplomate program habang 16,200 ang magtatapos sa Masters Degree at 1,907 sa Doctorate degree.
Inaasahang magsisimula ang mga graduation ceremonies sa huling linggo ng Marso hanggang sa susunod na buwan ng Abril sa may 42,000 public elementary at high school, at 1,300 naman sa mga kolehiyo at unibersidad.
Muling inulit nina DepEd Secretary Jesli Lapus at CHED Chairman Dr. Carlito Puno sa mga principal ng mga pampublikong paaralan at sa mga higher education institutions na gawing simple at huwag magarbo ang mga graduation rites. (Edwin Balasa)