^

Bansa

Prosecutor sa Leviste case nasupalpal

-
Dalawang beses nasupalpal ng Makati Regional Trial Court si Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco kaugnay ng kasong murder na kinakaharap ni dating Batangas Governor Antonio Leviste.

Una ay nang ideklara ng Makati RTC na justifiable ang pagpapa-ospital ni Leviste taliwas sa alegasyon ni Velasco na peke ang pagakakasa kit. Kasunod nito ay nang ibasura ng korte dahil sa kawalan ng merito kahapon ang motion ni Velasco na i-cite for contempt ang mga doktor ni Leviste na sina Drs. Reynato Kasilag and Ramon Liboro dahil sa hindi pagtalima sa atas ng korte na agad ilipat sa Makati City Jail si Leviste matapos itong I-discharge sa Makati Medical Center.

Minsan na ring nasabon ng korte si Velasco dahil sa umano’y pag-abuso sa kanyang kapangyarihan nang ipag-utos ang pagsasagawa ng re-investigation kahit hindi pa naglalabas ng order ang korte rito. Kinondena rin ng mga abogado ni Leviste si Velasco nang pumasok ito kasama ang kanyang NBI escorts sa tanggapan ng dating gobernador nang walang pahintulot. (Angie dela Cruz)

BATANGAS GOVERNOR ANTONIO LEVISTE

LEVISTE

MAKATI CITY JAIL

MAKATI MEDICAL CENTER

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

REYNATO KASILAG AND RAMON LIBORO

SENIOR STATE PROSECUTOR EMMANUEL VELASCO

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with