Pichay suportado ng Tarlaqueños
March 11, 2007 | 12:00am
Siniguro ng mga Tarlaqueños, mula sa pinakamataas na provincial leader hanggang sa maimpluwensiyang obispo, educators at students, kay Team Unity senatorial bet Prospero Pichay ang kanilang suporta ngayong May 14 elections dahil kumbinsido sila sa kapasidad nito para sa posisyon.
Sa isinagawang rally sa provincial capitol, inindorso ni Gov. Jose Yap si Pichay sa mga Tarlaqueños, kasabay nang pagbanggit sa kanyang kapuri-puring track record, dalisay na pagganap sa tungkulin bilang mambabatas at malawak na eksperyensa na magsisilbing asset sa Senado.
"Napatunayan na ang galing ni Pichay bilang kongresista at representante ng kanyang distrito. Kaya pag naupo siya sa Senado marami siyang magagawa para sa bansa at sa taong bayan," ani Yap.
Inihayag pa ni Yap na ang panalo ni Pichay at iba pang miyembro ng Team Unity senatorial candidates ay mangangahulugan ng karagdagang proyekto at programa para sa naturang probinsiya dahil suportado ito ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo, na ang termino ay magtatapos sa 2010.
Ayon naman kay Capas Mayor Reynaldo Catacutan, sinusuportahan nila ang buong Team Unity ticket dahil sila lamang ang makakapaniguro sa progreso ng probinsiya at ng bansa. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest