"My 13-percentage points lead over No.2 in this survey jibed with past results of similar polls conducted by Pulse Asia, Social Weather Station (SWS) and Ibon Foundation, which had me leading by wide margins," wika ni Loren.
Bagamat marami ang nagtataka sa malaking pagkakaiba ng resulta ng SWS survey sa dati nitong survey na nagpakitang si Loren ang No.1, sinabi ni Loren na bahagi lang ng "ebb and flow" ng kampanya ang pagpapalitan ng puwesto ng mga kandidato sa survey.
Binigyang-diin ni Loren na ang mahalaga’y nakikita sa mga resulta ng survey na ang mga botante sa 2007 May elections ay magiging masusi sa pagpili sa mga kandidato. (Joy Cantos)