^

Bansa

Kilos-protesta vs political dynasty

-
Isang bagong tatag na kilusan na mariing kumokondena sa pag-iral ng political dynasty sa bansa ang nagbantang magsasagawa ng kilos-protesta upang ipahayag ang kanilang paninindigan at tuloy hikayatin ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong "Kamag-anak Inc." sa hanay man ng administrasyon o oposisyon.

Sinabi ng anti-dynasty advocate na tinawag na Alyansa Laban sa Dinastiya (ALADIN) na kinabibilangan ng mga grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na panahon na upang wakasan ang pananatili sa kapangyarihan ng mga magkakamag-anak sa pulitika.

Ayon kay Atty. Ruby Bruno, taga-pangulo ng ALADIN, dapat nang matigil ang paglaganap ng political dynasty upang magkaroon ng tunay na pagbabago, hindi lamang sa sistema ng pulitika kundi pati na rin sa mga karakter at katangian ng mga taong nakaupo sa gobyerno.

Binigyang-diin ni Bruno na marami sa mahigit 30 milyong Pilipino ang mayroong kuwalipikasyon o kakayahan na tumakbo at maupo sa gobyerno kaysa mga pulitikong magkakamag-anak na kasalukuyang nakaluklok o naghahangad ng puwesto. (Angie dela Cruz)

ALYANSA LABAN

ANGIE

AYON

BINIGYANG

BRUNO

CRUZ

RUBY BRUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with