Fire month na!
March 1, 2007 | 12:00am
Handa na ang buong puwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bansa sa pagdedeklara ng fire prevention month upang paalalahanan ang publiko na mag-ingat upang makaiwas sa sunog ngayong buwan ng Marso.Naglatag na ang BFP ng mga programa kung saan pangungunahan ng aktres at environmentalist na si Chin-chin Gutierrez ang panawagan sa pag-iingat sa sunog dahil sa kapabayaan ng marami.
Si Gutierrez ang magsisilbing inspirasyon ng BFP sa ika-41 taong pagdiriwang ng fire prevention month na tinawag na "Pambansang Pagkakaisa Laban Sa Sunog".
Magugunitang si Gutierrez ay lumundag sa ikala wang palapag ng bahay nito upang sagipin ang inang maysakit nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay noong Dis. 20, 2006. Namatay din ang ina ni Gutierrez.
Sa talaan ng BFP, umaabot sa 8,823 sunog sa buong bansa ang naitala noong nakalipas na taon, 521 katao ang sugatan at tinatayang P3.2B ang naabo. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended