Hamon na debate ng Team Unity kinasahan ng GO

ILOILO CITY - Kinasahan nina Genuine Opposition (GO) senatorial candidates Loren Legarda at John Osmeña ang hamon na debate ni Presidential Chief of Staff Joey Salceda sa oposisyon.

Ayon kay Legarda, maluwag na tinatanggap ng GO ang hamon na debate ng administrasyon at nakahanda silang harapin ang sinumang kandidato ng Team Unity anumang oras at sa kahit saang lugar.

Aniya, kahit anong isyu ang magiging topic ng debate ay handang harapin ng GO basta abisuhan lang sila kung kelan ito gagawin.

Sinabi naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na ang pagkakaroon ng debate ang maglalantad ng tunay na mga isyu sa halalan at ang mga agendang isinusulong ng administrasyon.

Pinag-uusapan na kung kailan at saan gagawin ang debate. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

Show comments