^

Bansa

Ban sa Pinoy nurses di na iaapela

-
Hindi na iaapela ng Malakanyang ang desisyon ng Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools na huwag pahintulutang makapagtrabaho sa United States ang 17,000 Pilipinong nurse na nakapasa sa kontrobersyal na June 2006 nursing licensure examinations na natigmak ng dayaan.

Sinabi kahapon ni Presidential Legal Counsel Sergio Apostol na hindi na naman kailangang kumuha ng test sa CGFNS ang naturang mga nurse kung hindi naman nila gustong magtrabaho sa U.S..

Sa isang naunang pahayag, pinayuhan ni Labor Secretary Arturo Brion ang naturang mga nurse na sumunod na lang sa kagustuhan ng CGFNS.

May abiso na anya mula sa tanggapan ni CGFNS Chief Executive Officer Dr. Barbara Nichols na pinal na ang desisyon nito na huwag bigyan ng visa screen certificate ang mga pumasa sa naturang board exam.

Sinabi pa ni Brion na, bilang tulong, maaari na lamang sagutin ng gobyerno ang magagastos ng mga nurse na kukuhang muli ng examination.

Gayunman, ayon pa kay Brion, hindi naman pinapawalambisa ng Professional Regulation Commission ang lisensya ng mga pumasa. (Lilia Tolentino)

BRION

DR. BARBARA NICHOLS

GAYUNMAN

GRADUATES OF FOREIGN NURSING SCHOOLS

LABOR SECRETARY ARTURO BRION

LILIA TOLENTINO

PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL SERGIO APOSTOL

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

SINABI

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with