^

Bansa

Chavit pabor na rin palayain si Erap

-
BAGUIO CITY- Pabor na rin si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na palayain si dating Pangulong Joseph Estrada pero sa kondisyon na tatapusin muna ang kaso nito at ilalabas ang hatol ng Sandiganbayan Special Division.

Kahit aniya "guilty" ang maging hatol kay Estrada ay maaari itong i-pardon o pakawalan, ang importante ay malaman ng bayan ang magiging hatol sa plunder case nito sa Sandiganbayan.

"Tapusin muna ang kaso, then pakawalan, guilty or not. Pero hindi puwede yong sinasabi nila na pakawalan muna bago matapos ang kaso," ani Singson na dumalo sa Flower Festival sa lungsod na ito kahapon kasama ang ibang kandidato ng Team Unity.

Dapat din aniyang aminin muna ni Estrada ang kanyang mga naging kasalanan bago ito palayain.

Ang mahirap aniya kay Estrada ay patuloy itong tumatanggi sa kanyang kasalanan kahit umamin na ang dating kaibigan na si Charlie "Atong" Ang.

Magiging "bad precedent" aniya kung basta na lang pakakawalan si Estrada nang hindi natatapos ang kaso at hindi umaamin sa kanyang mga kasalanan.

Sinabi pa ni Singson na si Saddam (Hussein) ay nahatulan na ng kamatayan kaya dapat na ring ibaba ang hatol kay Estrada pero hindi siya pabor na patayin din ito. "Si Saddam pinatay na nga eh. Pero hindi ko sinasabing dapat ding patayin si Estrada. (Malou Escudero)

vuukle comment

ESTRADA

FLOWER FESTIVAL

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

MALOU ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PERO

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

SI SADDAM

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with