Libreng review sa nursing re-take alok ng DOLE
February 26, 2007 | 12:00am
Plano ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Filipinos Overseas (CFO) na bigyan ng libreng "review classes" ang mga nursing graduates na nais muling magre-take sa Tests 3 at 5 ng kontrobersiyal na 2006 licensure examinations.
Sinabi ni CFO chairman Dante Ang, nakikipag-ugnayan na sila sa mga malalaking paaralan na hayaang mag-enrol sa kanilang review center ang mga June 2006 passers nang libre o kaya naman ay sa mas mababang halaga.
Ang hakbang ay kasunod ng pagmamatigas ng Commission on Graduates of Foreign Nursing School (CGFNS) ng Amerika na hindi pagtatrabahuhin sa kanilang bansa ang mga 2006 board passers hanggang hindi inuulit ang pagsusulit sa Test 3 at 5.
Ang re-take lamang umano ang natitirang solusyon para sa mga nurses na gustong magtrabaho sa naturang bansa.
Sinabi naman ni Labor Sec. Arturo Biron na sila mismo ang mamahala sa "re-take" Test 3 at 5. Ang pagpo-proseso naman ng resulta ay gagampanan ng Professional Regulation Commission habang ang Board of Nursing ang maghahanda ng mga tanong sa pagsusulit na kahalintulad ng dating nilalaman ng Tests 3 at 5.
Hindi naman umano kailangang isuko ng isang examinee ang kanyang lisensiya na ibinigay sa kanila matapos na pumasa sa ikalawang pagkuha ng pagsusulit.
Nilinaw nito na "voluntary’ lamang ang pagkuha ng ikalawang "re-take" sa mga gustong magtrabaho sa Amerika at sa iba na nais na mapatunayan na pumasa nga sila at hindi nandaya. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended