^

Bansa

US bishops mag-aatras ng suporta kay GMA

-
Iaatras ng pamunuan ng United Methodist Church (UMC) na nakabase sa Estados Unidos ang kanilang suporta sa administrasyong Arroyo hanggang hindi nareresolba ang mga nagaganap na extra-judicial killings sa bansa kabilang na sa mga taong Simbahan.

Ito’y matapos na dumating sa bansa ang 17-kataong "mission team" sa pangunguna ni Bishop Beverly Shamana buhat sa California-Nevada Conference ng UMC. Layon ng grupo na pag-aralan ang mga nagaganap na political killings at mga paglabag sa karapatang-pantao sa bansa.

Ayon kay Bishop Soli to Toquero, binisita ng grupo ang mga lugar ng Nueva Ecija, Leyte, Samar, Davao at Cagayan de Oro. Nagulat umano ang grupo nang malaman na maging mga taong-Sim bahan ay hindi pinapalagpas sa naturang mga pagpatay.

Dahil sa natuklasan, nakatakdang makipagpulong ang grupo sa kanilang mga mambabatas sa Estados Unidos upang magsulong ng imbestigasyon at pilitin ng kanilang pamahalaan na iatras ang suporta sa administrasyong Arroyo.

"We live in a global community. Whatever happens here has an impact in our lives in the US," ayon kay Shamana.

Una nang inilabas ng pamahalaan ang resulta ng imbestigasyon ng Melo Commission kung saan binigyan rin si United Nations special rapporteur Philip Alston kung saan hindi ito pumabor sa AFP partikular na kay retired Army Major Gen. Jovito Palparan.

Nakatakdang bumalik sa US ang grupo matapos ang dayalogo sa pamahalaan at sa Commission on Human Rights. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMY MAJOR GEN

BISHOP BEVERLY SHAMANA

BISHOP SOLI

CALIFORNIA-NEVADA CONFERENCE

DANILO GARCIA

ESTADOS UNIDOS

HUMAN RIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with