Cayetano binira ng Sambapol

Isang civic group ang nagpahayag ng pagdududa sa kakayahan ni opposition senatorial candidate Alan Peter Cayetano bilang mambabatas at mariing kinondena ang patuloy na paglawak ng political dynasty sa bansa.

Ayon sa Samahan sa Bagong Politika, maliban sa pagpapakitang gilas sa television camera noong panahon ng tangkang impeachment laban kay Pangulong Gloria Arroyo, wala na umanong nagawa si Cayetano sa loob ng tatlong termino ng panunungkulan nito sa Kongreso.

Sinabi ni Sambapol president Percy Lapid na kilala lamang umano si Cayetano sa paghabi ng mga kasinungalingan gaya ng sa pag-aakusa nito na mayroong secret bank account sa Germany si First Gentleman Mike Arroyo na itinanggi sa pamamagitan ng sulat ng bangkong tinukoy ng mambabatas.

Show comments