^

Bansa

FG ginagamit sa panloloko

-
Nagbabala ang tanggapan ni First Gentleman Mike Arroyo sa publiko laban sa isang lalaking nagpapakilala bilang malapit na kaibigan ng Unang Ginoo upang makapanloko ng tao.

Nilinaw ni Undersecretary Juris Soliman, chief of staff ni FG, hindi kilala ng Unang Ginoo si John C.L. Fernandez at hindi rin ito pinahintulutan na gamitin ang kanyang pangalan sa anumang gawain o transaksiyon.

Nabatid na nagpakilala si Fernandez bilang malapit na kaibigan ni FG nang mag-organisa ito ng isang umano’y gift-giving project sa Maynila noong Dis. 22 at 23, 2006 kung saan siya raw ang pangulo ng Filipinos Worldwide for Progressive Philippines Inc.-Filipinos for Better Philippines.

Bukod sa gift-giving ay mayroon pang oath-taking at acquaintance party ang grupo sa isang hotel sa Makati.

Nang magtungo sa hotel ang mga miyembro ng grupo na nagmula pa sa iba’t ibang bansa wala doon si Fernandez at walang nakatakdang party ang grupo. Ang cellular phone number na binigay ng suspek ay hindi na rin gumagana.

Nakiusap si Soliman sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang kinaroroonan ni Fernandez para agad itong maipaaresto at maidemanda. Maaari rin silang tumawag sa 736-38-28. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

BETTER PHILIPPINES

FERNANDEZ

FILIPINOS WORLDWIDE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JOHN C

LILIA TOLENTINO

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with