Ito ang sigaw ng bagong tatag na civic group na binubuo ng mga civic-minded na mamamayan.
Sa isang pahayag ng Samahan sa Bagong Politika (Sambapol), hinikayat nito ang mga mamamayan na huwag iboto sa darating na halalan ang mga kandidatong nagmula sa mga pamilya na ang pakay ay panatilihin sa kapangyarihan ang kanilang mga kamag-anak at angkan.
Idinagdag pa nito na "you have father-son, bro ther-sister, aunt-nephew teams vying for elective positions."
Ayon kay Sambapol Percy Lapid, maikukumpara ang paglaganap ng political dynasty sa tinatawag na "Kamag-Anak Inc." na umiral sa bansa noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Tinukoy ng Sambapol ang umano’y lantarang paglabag ng mga pulitiko sa Saligang Batas na mahigpit na nagbabawal sa pag-iral ng political dynasty.
Binigyang-diin ng grupo na mayroong 30 milyong Pilipino ang may kwalipikasyong tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno kaya hindi katanggap-tanggap ang pagtakbo ng mga kanidato na ang pangunahing hangarin ay hindi ang paglilingkod sa bayan kundi ang pagpapanatili ng kanilang pamilya sa kapangyarihan.