^

Bansa

GMA pinaaamin sa extrajudicial killings

-
Sinabi ni Genuine Opposition senatorial candidate Aquilino "Koko" Pimentel III na kailangan nang aminin ni Pangulong Arroyo na sangkot ang militar sa extrajudicial killings na nagaganap sa bansa ngayon at kailangang maparusahan ang mga maysala sa pagpatay ng mga inosenteng sibilyan lalo na ang mga aktibista at mamamahayag.

Ito ang sinabi ni Pimentel matapos na maghayag ng kanyang report si Philip Alston, United Nations special rapporteur, na nagpunta sa bansa upang imbestigahan ang mga pagpatay,

"Sa ilalim ng international law, katungkulan ng isang bansa na protektahan ang mga mamamayan. Ang malaking bilang ng mga hindi pa nareresolbang pagpatay sa ating bansa ay nangangahulugan ng isang halimbawa ng likidasyon ng mga aktibista at mamamahayag. Hindi ba naalarma ang administrayong Arroyo rito?" wika ni Pimentel.

Sa kanyang report, binatikos ni Alston ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pagtanggi nitong umamin at aksiyunan ang mga pagpatay na isinisisi sa kanila.

Sinuportahan ni Pimentel ang pahayag ni Alston na kailangang isapubliko ni Pangulong Arroyo ang nilalaman ng Melo Commission report upang malaman ng mga Pilipino ang katotohanan sa mga pagpatay,

Idinagdag ni Pimen tel na ang report ni Alston ay patunay lamang na gagawin ng administrasyong Arroyo ang lahat ng pananakot laban sa mga ordinaryong tao na pinaghihinalaang kumakalaban sa kanila. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

vuukle comment

ALSTON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GENUINE OPPOSITION

LILIA TOLENTINO

MELO COMMISSION

PANGULONG ARROYO

PHILIP ALSTON

RUDY ANDAL

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with