Cayetano, dayuhan daw

Nalalagay sa alanganin ang kandidatura ni Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano sa pagka-senador kung mapapatunayang isa siyang dayuhan.

Ipinahiwatig kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez na hindi isang tunay na Pilipino si Cayetano batay sa Alien Certificate of Registration ng mambabatas noong 1992.

Nagmula umano ang record ni Cayetano sa Bureau of Immigration.

Sinabi ni Gonzalez na, habang inaalam ng kanyang tanggapan ang tunay na pagkatao ni Cayetano, ipaparating niya ito sa Commission on Elections para ito ang humusga kung pwedeng kumandidatong senador si Cayetano. (Grace dela Cruz)

Show comments