Mga kandidato ng administrasyon mas madaling makakuha ng pondo
February 19, 2007 | 12:00am
DAVAO CITY - Sa kabila ng ulat na nauubos na ang pondo ng mga kandidato ng oposisyon, ipinagmalaki naman kahapon ng ilang kandidato ng Team Unity na mas sumusuporta at nagbibigay ng pondo ang mga negosyante sa mga kandidato ng administrasyon.
Sa isang panayam kay Sen. Ralph Recto, sinabi nito na bagaman at patuloy pa ring nangangalap ng pondo ang mga kandidato ng administrasyon, mas madali naman silang nakakakuha ng suporta mula sa mga negosyante.
Sinabi pa nito na unang nagbigay sa kanya ng suporta ang kanyang mga kamag-anak mula sa Batangas at wala siyang balak na galawin ang kanyang assets para ipangtustos sa pangangampanya.
Hindi rin aniya dapat mangutang ang isang kandidato at mas dapat humingi ng tulong sa mga miyembro ng pamilya at sa partido.
Kalimitang naghahati ang partido at kandidato sa gastos sa mga ads kaya mas nakakalamang sila sa mga independent candidates o kandidatong walang partido. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended