Pagpapalakas sa bgy. health centers giit ng AKSA

Isinusulong ng grupong Aksyon Sambayanan (AKSA) ang ibayong pagpapalakas sa kakayahan ng mga barangay health center para mapangalagaan ang mga buntis. Ayon kay AKSA Secretary General Beth Angsioco, malaki ang maitutulong ng mga barangay health center upang mabawasan ang bilang ng mga kababaihang namamatay sa kumplikasyon ng pagdadalang-tao. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at pangangalaga ng mga bihasang personnel sa barangay health center, naniniwala si Angsioco na mababantayan ang kalagayan ng mga buntis. Sa ulat ng National Demographic and Health survey noong 2003, 51% ng kababaihang buntis ang walang impormasyon sa posibleng kumplikasyon ng pagdadalang-tao. May 57 porsiyento ng kababaihang buntis ang nagsasabing hindi nila alam kung saan pupunta kung makaranas ng kumplikasyon sa kanilang kalagayan. (Doris Franche)

Show comments