^

Bansa

Non-appearance sa smoke emission maglalaho na

-
Tuluyan nang maglalaho ang non-appearance sa smoke emission ng mga irerehistrong sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) nationwide dahil na rin sa sinimulang PETC-ITF project ng ahensiya na may malaking tulong para magtagumpay ang implementasyon ng Clean Air Act ng pamahalaan.

Ayon kay LTO Chief Reynaldo Berroya, matagumpay na napasimulan ng ahensiya ang Private Emission Testing Center-Information Technology Facility (PETC-ITF) sa pamamagitan ng LTO-IT provider, Stradcom Corp. at ng apat na accredited at authorized PETCs at kanilang Information Technology Providers (IT Providers) tulad ng ETCIT, Eurolink, OAXIS at RDMS.

Nilinaw din ni Berroya na sa pamamagitan ng naturang programa, maglalaho na ang paglaganap ng mga pekeng Certificates of Emission Compliance (CECs) dahil naila-lock ng sistema ang CEC number sa mga accredited PETC para sa isang sasÿÿÿÿakyan lamang at wala ng mangyaÿÿyari pang isang plaka para sa dalawang sasakyan.

Takda ring magpalagay si Berroya ng mga web cameras sa lahat ng PETCs nationwide upang matiyak na walang magaganap na "non-appearance" sa mga nairerehistrong sasakyan kapag susuriin na ang usok ng tambutso. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BERROYA

CERTIFICATES OF EMISSION COMPLIANCE

CHIEF REYNALDO BERROYA

CLEAN AIR ACT

INFORMATION TECHNOLOGY PROVIDERS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER-INFORMATION TECHNOLOGY FACILITY

STRADCOM CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with