Gov. Petilla aatras sa unity ticket, Goma ipapalit?
February 16, 2007 | 12:00am
Posible umanong umatras sa senatorial ticket ng administrasyon si Leyte Gov. Jericho Petilla at ipalit sa kanya si independent candidate Richard Gomez.
Ayon sa ulat, nagdadalawang-isip umano ngayon si Petilla kung itutuloy pa ang kanyang pagkandidato dahil balak nito na magre-electionist na lang bilang gobernador.
Kinumpirma rin umano nito na may kaunting problema sa kanyang pagtakbo sa Senado.
Ayon pa sa report, pinag-iisipan umano ng administrasyon na ipalit kay Petilla si Gomez o di kaya si Gringo Honasan pero wala pa umanong kumakausap kay Gomez mula sa administrasyon tungkol sa ganitong alok.
Inaasahang bago ang grand proclamation ng Team Unity sa Cebu ngayong Sabado ay mareresolba ang gusot. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest