24 Pinoy sa Nigeria laya na

Pinasalamatan ni Pangulong Arroyo si Nigerian President Obasanjo sa direkta nitong pangangasiwa sa pagpapalaya sa 24 Pinoy seamen na nakidnap sa Nigeria.

Nabatid na kasalukuyang nasa maayos na kalagayan ang 24 Pinoy at nakatakda silang umuwi sa linggong ito.

Sinabi naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na wala pang abiso ang pamahalaan kung aalisin na o hindi ang ban sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Nigeria at sa direktiba ng Pangulo na pahintulutan na ang boluntaryong pag-uwi ng mga manggagawang Pilipino sa magugulong lugar. (Lilia Tolentino)

Show comments