^

Bansa

‘Dirty politics’ ibasura — GMA

-
Pinagsabihan ni Pangulong Arroyo ang lahat na kandidato ng administrasyon na huwag gagamit ng “character assassination” sa pagsusulong ng kanilang kampanyang pulitikal na nag-umpisa na kahapon.

Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, sa halip na gumamit ng maruming taktika sa kampanya, dapat pagbutihin ng mga national at local candidates kung paano sila makakatulong sa positibong pagbabago sa bansa.

Ang pahayag ay matapos magreklamo si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na pakana umano ng Palasyo ang paghahain ng kandidatura sa Senado ng isang nagngangalang Joselito “Peter” Cayetano ng partido KBL para lituhin ang boto ng mamamayan.

Duda ni Rep. Cayetano, sinadyang pinatakbo si Joselito para mahati ang boto niya. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

JOSELITO

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS SECRETARY

TAGUIG-PATEROS REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with