Ito ang napag-alaman kay Secretary Domingo F. Panganiban, lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), makaraang pabantayan ng Pangulo sa kanya at kay Secretary Edgardo D. Pamintuan, pinuno ng Luzon Urban Beltway (LUB), ang nasabing mga lugar upang siguruhing umaabot sa mga lugar na ito ang serbisyo ng pamahalaan.
Binisita kamakailan ng NAPC at LUB ang Smokey Moutain Permanent Resettlement sa Balut at Parola Compuond, pawang sa Tondo, Manila, at Soldiers Housing sa Taguig upang nakipag-ugnayan sa mga residente.
Binisita na rin ni Panganiban ang mga lalawigan ng Lanao del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Agusan del Norte. Kabilang din sa mga tinukoy na pinakamahi hirap na lalawigan ay ang Masbate, Mountain Province, Camarines Norte, Saranggani, at Zamboanga-Sibugay upang tiyakin na ipinatutupad ang anti-poverty program ng Pangulo. (Rudy Andal)