^

Bansa

PGMA bantay-sarado sa 10 mahirap na probinsya

-
Bantay-sarado si Pangulong Arroyo sa lahat ng mga urban areas at sa sampung pinakama hirap na probinsya sa bansa.

Ito ang napag-alaman kay Secretary Domingo F. Panganiban, lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), makaraang pabantayan ng Pangulo sa kanya at kay Secretary Edgardo D. Pamintuan, pinuno ng Luzon Urban Beltway (LUB), ang nasabing mga lugar upang siguruhing umaabot sa mga lugar na ito ang serbisyo ng pamahalaan.

Binisita kamakailan ng NAPC at LUB ang Smokey Moutain Permanent Resettlement sa Balut at Parola Compuond, pawang sa Tondo, Manila, at Soldiers Housing sa Taguig upang nakipag-ugnayan sa mga residente.

Binisita na rin ni Panganiban ang mga lalawigan ng Lanao del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Agusan del Norte. Kabilang din sa mga tinukoy na pinakamahi hirap na lalawigan ay ang Masbate, Mountain Province, Camarines Norte, Saranggani, at Zamboanga-Sibugay upang tiyakin na ipinatutupad ang anti-poverty program ng Pangulo. (Rudy Andal)

BINISITA

CAMARINES NORTE

LUZON URBAN BELTWAY

MOUNTAIN PROVINCE

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

NORTE

PANGANIBAN

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PAROLA COMPUOND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with