Roco, Sotto, Oreta nag-file na ng COCs
February 12, 2007 | 12:00am
Dalawang dating miyembro ng oposisyon at isang biyuda ng dating senador ang nadagdag kahapon sa mga kandidato na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) bilang senatorial candidates.
Unang nagtungo sa Comelec dakong alas-9 ng umaga si Sonia Roco, balo ni dating Senador Raul Roco. Kasama nito si United Opposition (UNO) president Makati Mayor Jejomar Binay at San Juan Mayor JV Ejercito na siya nitong pinalitan sa tiket ng oposisyon. Sumunod na nagsumite ng kanilang COC sina dating senador Vicente Sotto at Tessie Oreta na tatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Kapwa dating miyembro ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ang dalawa ngunit umalis sa partido dahil sa pagkakaiba sa paniniwala sa mga isyung politikal. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest