Sen. Villar kinonsulta na si Erap

Personal nang pinuntahan kahapon ni Senate President Manuel Villar si dating pangulong Estrada sa kulungan nito sa Tanay, Rizal upang ikonsulta ang hinggil sa problema ng Wednesday Group sa hindi matuloy na pagpasok sa senatorial slate ng United Opposition (UNO).

Subalit dahil sa umano’y banta sa buhay ni Estrada ay pinigilan si Villar ng pulisya na makapasok sa loob ng compound kaya sa harap na lamang ng gate sila nag-usap ni Estrada na inabot lamang ng ilang minuto.

Matatandaang inamin ni Villar na malamang mahati ang Wednesday Group matapos silang hindi magkasundo na sumama na lamang sa iisang tiket.

Inihayag ni Speaker Jose de Venecia na sigurado nang pasok sa unity ticket ng administration sina Sens. Joker Arroyo at Ralph Recto.

Kasama ni Villar ang maybahay na si Las Piñas Rep. Cynthia Villar sa pagdalaw sa dating lider.

Tumanggi naman ang senador na ihayag kung ano ang napag-usapan nila ni Erap. (Rudy Andal)

Show comments