^

Bansa

Kidnap kay Barbers nasilat!

- Angie dela Cruz, -
Tinangkang dukutin ng apat na kalalakihan, kabilang ang isang pulis at isang sundalo, si Philippine Tourism Autho rity (PTA) Robert Dean Barbers at pamilya nito habang patungo sa isang beach sa Bauan, Batangas kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Ferdinand de Castro, Bauan police chief, kasalukuyang iniimbestigahan na ang isang PO1 Jun Virtusio na nakatalaga sa Cuenca police station at sibilyang si Jerry Mendoza matapos masakote ng mga rumespondeng pulis.

Ani de Castro, si Barbers, kasama ang kanyang asawa at tatlong anak na babae ay sakay ng Ford Explorer (XCF-938) at papunta sana sa isang beach resort sa Bauan ng bigla na lang harangin sa may Barangay Maghinao bandang alas-11 ng umaga.

Sa salaysay ni Barbers, tinangka umano niyang lagpasan ang isang kotseng Laser sa harapan niya pero hinaharangan umano siya tuwing o-overtake ito.

"Mga 15-minutes akong nag-paflash ng headlight ko para mag-overtake pero lagi akong hinaharang nung kotse na nasa harap ko na walang plate number," ani Barbers

Nang maka-overtake ito, may humabol naman sa kanya ang isang Toyota Revo hanggang sa abutan ito at sapilitang pinababa ng sasakyan habang nakatutok ang matataas na kalibre ng baril.

Pero bago nakababa si Barbers sa kanyang sasakyan, napansin umano ng isang civilian ang kaganapan at kinunan ito ng video gamit ang kanyang cellphone.

Dahil doon, nabulabog ang mga suspek hanggang sa mabilis itong nagsitakas at maiwan ang kanilang kasamang sina Virtusio at Mendoza.

Inutos na ni Chief Supt. Nicasio Radovan, Calabarzon region police director, ang pagtugis sa mga kasabwat ni Virtusio na nakilalang si PO3 Manuel Villegas na isang miyembro umano ng Air Force.

Iniimbestigahan na rin ng Batangas police kung may kaugnayan nga sa bigong kidnapping ang naganap na krimen.

vuukle comment

AIR FORCE

BARANGAY MAGHINAO

BATANGAS

BAUAN

CHIEF SUPT

FORD EXPLORER

ISANG

JERRY MENDOZA

JUN VIRTUSIO

MANUEL VILLEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with