LDP-Manila susuporta kay Ali
February 10, 2007 | 12:00am
Naghayag ng suporta ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP)-Manila Chapter kay Manila Lito Atienza at sa kanyang magiging opisyal na mga kandidato sa ilalim ng Partido Liberal-Buhayin ang Maynila tiket sa darating na eleksyon sa Mayo.
Binigyang rekognisyon ni Sen. Edgardo Angara ang programa ni Atienza sa mabuting pamamahala na nakatuon sa muling pagbuhay ng lungsod na nagdulot ng malaking pagbabago sa Maynila.
Sinabi ni Angara na nagbigay siya ng suporta kay Atienza dahil sa iisa ang kanilang hangarin na ipagpatuloy ang pagbabago sa lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno tungo sa tagumpay.
Gayundin, giniit ni LDP-Manila Chairman Ramon "Dondon" Bagatsing Jr., namununo rin sa buong National Capital Region (NCR), na ang alyansang ito ay isang akmang pagtatambal sa serbisyo publiko, prinsipyo at mabuting pamamahala.
"LDP-Manila is now a loyal soldier to Mayor Atienza’s program, this is a long partnership that will continue for the next generation," sabi ni Bagatsing.
Sa ilalim ng alyansang ito, ang 20,000 tapat na miyembro ng partido ay tutulong sa kampanya ni Manila Inner City Development Chairman Arnold "Ali" Atienza, ang napiling kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila.
"It’s my personal commitment to make sure mayoral candidate Ali Atienza win in this election because he is the only one who can continue his father’s program anchored to urban renewal for the future," ayon kay Bagatsing. (Gemma Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended