Kongreso magpapatawag ng special session

Inihayag kahapon ni Speaker Jose de Venecia na pumayag si Pangulong Arroyo na magpatawag ng special session ang Kongreso.

Ayon kay de Venecia, kailangang maisabatas ang ilang mahahalagang panukala katulad ng anti-terror bill na hind naratipikahan ng House of Representatives dahil sa kakulangan ng quorum; tax amnesty bill; tourism bill; cheaper medicines act; political party act; compensation bill para sa mga human rights victims; pagtatanim ng isang bilyong puno; pagtatayo ng mga special economic zones; at iba pa.

"Attendance is difficult but it can be done," pahayag naman ni de Venecia.

Naniniwala naman si House Majority Leader Prospero Nograles na siguradong dadalo naman sa sesyon maging ang mga miyembro ng oposisyon dahil may mga panukalang batas rin silang isinusulong.

Inaasahan ding pagtitibayin sa special session ang rekomendasyon ng Ethics committee na suspendihin ng 45 araw si Rep. Alan Peter Cayetano. (Malou Escudero)

Show comments