JV, Loi pinaatras na ni Erap
February 9, 2007 | 12:00am
Pinaatras na ni dating Pangulong Joseph Estrada sina San Juan Mayor JV Ejercito at asawa nitong si Sen. Loi Ejercito-Estrada sa pagtakbo sa darating na senatorial race sa May 14 para na rin umano sa kapakanan at interes ng oposisyon.
Sa halip na tumakbo sa Senado, kakandidato na lamang ulit si Ejercito bilang mayor ng San Juan dahil may isa pa itong termino para maglingkod sa kanyang bayan.
Ayon kay Estrada, pumayag ang kanyang anak na si JV na magsakripisyo at huwag munang tumakbo sa Senado upang mabigyan umano ng tsansa ang iba pang miyembro ng oposisyon para tumakbo sa nasabing posisyon.
Inamin ng dating Pangulo na napakahirap ng kanyang desisyon lalo pa’t pang-9 si JV sa huling survey ng Pulse Asia.
Ang pagpapa-atras kay JV ay bukod pa sa naunang desisyon ni Estrada na paatrasin din sa senatorial race ang kanyang asawang si Sen. Loi.
Nilinaw ni Estrada na ang pagkakasama ni JV sa tentative senatorial lineup ng United Opposition (UNO) ay resulta ng selection process na ginawa ng UNO at wala siyang kinalaman dito.
Ipinahiwatig ni Estrada na mas binigyan niya ng prayoridad ang kasiguraduhan na magkakaroon ng malakas na koalisyon ang UNO kaysa sa kanyang anak na si JV bagaman at ipinagmamalaki niya ito.
Nakahanda naman aniyang magbigay si JV para magkaroon ng "broader representation" ng mga kandidato ang oposisyon.
Posibleng maging kapalit ni JV sa senate slot sa UNO ay sina Sonia Roco, at dating Sen. Gringgo Honasan o si dating Sen. Nikki Coseteng.
Nakasaad pa sa press statement ni Erap na maraming gabi niya itong pinag-isipan bago humantong sa desisyon dahil mas importante ang kapakanan ng nakakarami kaya kinakailangan nila ng isang matibay, malakas at nagkakaisang coalition para gapiin ang Administrasyong Arroyo.
Idinagdag nito na ang kanyang desisyon ay hindi tugon sa panawagang pagbuwag ng "political dynasty" issue na matagal ng inilalabas na isyu kaya’t hindi rin pwedeng sabihin na tularan nina Rep. Allan Peter Cayetano at Atty. Koko Pimentel ang ginawa niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest