Ito ang inanunsyo kahapon ni Department of Education Secretary Jesli Lapus upang mabigyan ng proteksyon ang mga guro na magbabantay sa darating na national at local elections.
Ayon kay Lapus, nakausap na niya sina Fr. Joaquin Bernas at Atty. Cesar Villanueva, Dean Emeritus at dean ng Ateneo Law School at sinabing handa ang mga itong tumulong sa mga guro.
Binigyang kasiguraduhan nina Father Bernas at Atty. Villanueva si Lapus na sila ang kakausap sa mga law schools sa mga probinsya para sa mga tulong na ibibigay ng mga abugado sa mga guro.
Nabatid na sa probinsya ang may pinakagrabeng kasong nakukuha ang mga guro at doon din madalas ang mga ballot snat ching at iba pang election violence.
Sa isyu naman sa sinabi ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na pagbabantayin ang mga ROTC cadet sa eleksyon dahil sa kakulangan ng guro ay sinabi ni Lapus na mas maigi pa kung i-tap ang mga private school teachers dahil mas sila ang na kakaalam ng trabaho kumpara sa mga kadete. (Ed win Balasa)