Ang battle cry ni Rep. Hizon ay ibabalik nito ang kinakailangang serbisyo ng mamamayan sa halip na puro beautification projects ang pagtuunan ng pondo na hindi naman nakakapagbigay ng trahabo at pagkain sa taumbayan.
Sinabi ni Hizon, ito na ang tamang panahon upang itigil ang malalaking gastos sa mga pailaw at parke bagkus ay ilaan ang pondong ito sa gamot at ospital na mas pakikinabangan ng mamamayan.
"Matagal nang naghirap ang mga Manileño, meron nga silang parke at pailaw subalit wala naman silang makain," wika pa ng mambabatas na sasabak sa darating na mayoralty race sa Maynila.
Naniniwala si Hizon na kaya niyang talunin ang naghaharing pamilya sa Maynila dahil pinatunayan na niya ito ng talunin si Kim Atienza sa pagiging kongresista sa 5th district ng lungsod.