Rep. Cayetano pinagso-sori

Binuweltahan kahapon ni Negros Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo ang kanyang kapwa mambabatas na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano kaugnay sa pahayag ng huli na sana’y hindi peke ang "universal waiver" na nilagdaan ni First Gentleman Mike Arroyo na nagpapahintulot sa German bank na buksan ang sinasabing account ng Unang Pamilya.

Ayon kay Rep. Arroyo, wala ng ibang bagong masabi si Rep. Cayetano kaya inililigaw nito ang utak ng publiko at integridad ng kanyang kapwa kongresista.

"I say Rep. Cayetano insults the public mind because how can a waiver signed before our fellow congresmen and officials of the one of the biggest banks in Europe where the First Family absolutely has no control or influence, be fake?" wika ni Arroyo.

Hamon pa ni Arroyo, ang dapat na gawin ni Cayetano ay magpakita ito ng ebidensiya at kung lilitaw na siya’y nagkamali sa ginawang paratang laban sa Unang Ginoo, dapat siyang humingi ng tawad.

Nagbigay na ng sertipikasyon ang Hypo Vereinsbank na nagsasabing walang bank accounts ang pamilya Arroyo sa lahat ng bangko sa Germany sa nakalipas na 10 taon.

Gayunman tumanggi si Cayetano na mag-sorry sa Unang Ginoo. (Malou Escudero)

Show comments